Linggo, Setyembre 9, 2012

Panalangin Para sa Mahal na Birhen Maria Maulawin



Kabanalbanalang Ina ng Langit at Lupa. 
  Ikaw ang matibay na moog na di masisira .  
Kami’y sumisilong sa iyong pagpapala .  
Iligtas mo kami sa mga panganib na nakababala sa oras na ito ng aming paglapit.
  Tulungan mo kami sa Dakilang Dios ng lupa at langit.  
Iliwas mo sa taong bulisik . 
  Itago mo kami sa loob ng iyong dibdib .
  Bawat hakbang nimin kami po’y pagkaingatan . 
Tulungan mo kami at huwag pababayaan. 
  Ang lahat na ito’y aming kahilingan.  
Sa pamamagitanng puso ng Anak mong mahal .  
Ina Ang Aming Samo huwag mong talikdan ang aming karaingan.
Amen.

Ang Daan


Matagal tagal na rin kaming umaakyat sa santong lugar.  Dalawa ang Alam naming daan papunta sa lugar na ito.  Ang hindi gaanong matarik ngunit mahabang daan papunta duon ay sa Jala-jala . At ang maikli at matarik na daan sa may Bagumbong. 





















Martes, Agosto 28, 2012

Ang Lugar


Ang Mahal na Poong Birhen Maria de Maulawin. 

   Ito ang larawan ng Mahal na Birhen Maria de Maulauin.  Ang Maliit ns Chapel na ito ang dinarayo ng ibat- ibat tao (matanda, bata, babae, lalaki) dito sa Santa Cruz Laguna tuwing Huwebes Santo hangang Biyeryes Santo taon - taon. Ito ang chaphel sa Santong Lugar.